Ano ang Medi-Cal?
Ang Medi-Cal ay isang pampublikong programa para sa insurance sa kalusugan na nag-aalok sa mga kwalipikadong indibidwal at pamilya ng access sa libre o murang saklaw sa pangangalagang pangkalusugan at ngipin.
Kung hindi ka kwalipikado para sa Medi-Cal, puwede ka naming suriin para sa iba pang programa para sa saklaw sa kalusugan.
Mga Anunsyo
Simula sa Enero 1 - Kumpletong saklaw ng Medi-Cal para sa higit pang Californian
Mas maraming Californian na may mababang kita ang magiging kwalipikado para sa kumpletong Medi-Cal, anuman ang kanilang edad, mga asset, o status sa immigration.
Pumili ng Plano sa Pinapamahalaang Pangangalaga ng Medi-Cal
Nag-aalok ang County ng San Francisco ng iba't ibang plano sa pinapamahalaang pangangalaga, kasama ang Kaiser Permanente.
Mawawalan ng Medi-Cal o kailangang mag-renew?
Narito kami para tulungan kang mapanatili ang iyong saklaw sa Medi-Cal.