Ano ang CalWORKs?
Ang CalWORKs ay nagbibigay ng pansamantalang pinansyal na tulong at mga serbisyo sa mga kwalipikadong pamilya na mayroong (o inaasahang magkaroon ng) mga bata. Kasama sa mga benepisyo ang mga tulong na pera, pagkain, pangangalaga ng bata, at coverage sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang CalWORKs ay nagbibigay rin ng mga trabaho at tulong sa edukasyon at iba pang serbisyo kahit pagkatapos umalis sa programa.
Mga Anunsyo
SUN Bucks Summer EBT for School Children
Binibigyan ng programa ang mga pamilya sa CalWORKs ng $120 para sa bawat kwalipikadong bata para makabili ng mga grocery sa tag-init ng taong 2024.
Mga bagong paraan para maprotektahan ang iyong EBT card
Gamitin ang bagong online na tool na ebtEDGE, at sumubok ng iba pang paraan para mapanatiling ligtas ang iyong EBT card mula sa pagnanakaw o panloloko.
Palitan ang mga ninakaw na benepisyo sa EBT
Sa electronic na paraan ba ninakaw ang iyong mga benepisyo sa EBT sa pagitan ng Oktubre 1, 2022 at Nobyembre 30, 2023? Tumawag sa (877) 328-9677 para iulat ang krimen at isumite ang Form 2259 para sa claim bago lumipas ang Pebrero 29, 2024. Tingnan ang flyer.
BenefitsCal - Bagong website para sa pamamahala ng mga pampublikong benepisyo
Pinapadali ng BenefitsCal na mag-apply, makita, at ma-renew ang saklaw sa kalusugan, pagkain, at cash na tulong.