Recipient ng Mga Pansuportang Serbisyo sa Bahay (In-Home Supportive Services, IHSS) Makatanggap ng Agarang Pangangalaga at Higit Pang Impormasyon

On-Call na agarang pangangalaga

Nagbibigay ang On-Call na programa ng mga panandaliang agarang serbisyo sa pangangalaga ng sarili kung isa kang Recipient ng IHSS at: 

  • Idi-discharge ka sa ospital o iba pang pasilidad at walang tutulong sa iyo sa bahay.
  • Hindi available ang iyong regular na Provider ng IHSS.
  • Hindi ka pa nagha-hire ng Provider ng IHSS.
  • Kailangan mo ng pangangalaga ng sarili na hindi makakapaghintay hanggang sa susunod na nakaiskedyul na pagpapatingin para sa IHSS.

Humiling ng On-Call na serbisyo:

  • Sa mga oras ng negosyo, tumawag sa iyong social worker ng IHSS na magpapadala ng referral sa Pampublikong Awtoridad. May counselor na tatawag sa iyo, tatasa sa iyong mga pangangailangan, at magtatalaga sa iyo ng On-Call na provider.  (Para sa numero ng telepono ng iyong social worker, tumawag sa (415) 355-6700.) 
  • Pagkalipas ng 5:30 p.m. at tuwing holiday at weekend, tumawag sa (415) 243-4477

Mga pagdinig ng estado

Kung hindi ka sumasang-ayon sa isang pasya kaugnay ng iyong mga serbisyo sa IHSS, may karapatan ka sa isang pagdinig ng estado at magdala ng awtorisadong kinatawan sa pagdinig.

Humiling ng pagdinig
Punan at isumite ang seksyon para sa Patas na Pagdinig ng Estado sa likod ng iyong Abiso ng Pagkilos (ang liham na natanggap mo mula sa IHSS tungkol sa iyong mga serbisyo).

Tumawag sa Unit para sa Apela sa (415) 503-4900 para sa:

  • Petsa ng iyong pagdinig
  • Status ng iyong apela o kung kwalipikado ka para sa Aid Paid Pending
  • Pagbawi sa iyong kahilingan para sa pagdinig

Matuto pa sa Departamento ng Mga Serbisyong Panlipunan ng California.

Pang-aabuso at panloloko

Iulat ang pang-aabuso sa isang Recipient ng IHSS o Provider ng IHSS
Tumawag sa 9-1-1 o sa Mga Serbisyo para sa Proteksyon ng Nasa Hustong Gulang (24 na oras) sa (415) 355-6700

Mag-ulat ng panloloko
Tumawag sa (415) 557-5771 kung sa palagay mo ay:

  • Pinepeke ang pag-apruba sa mga timesheet
  • Nagke-claim ng mga oras kung kailan hindi nagtrabaho ang Provider ng IHSS
  • Nagke-claim ng mga oras kung kailan nasa ospital o wala sa estado ang isang Recipient ng IHSS o Provider ng IHSS
  • Paghahati sa mga tseke ng Provider ng IHSS at Recipient ng IHSS

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?