Credit sa Mga Nagtatrabahong Pamilya (Working Families Credit, WFC) Pagiging Kwalipikado sa WFC
Sino ang Kwalipikado
Para magkwalipika sa WFC, ikaw ay dapat:
- Naninirahan sa San Francisco.
- Magfa-file ng iyong tax return para sa 2023 bago lumipas ang Abril 15, 2024.
- Magke-claim ng kahit isa lang na kwalipikadong dependent na anak sa iyong tax return.
- Magke-claim ng Credit sa Buwis sa Kinita Earned Income Tax Credit, EITC) ng pederal kung mayroon kang Social Security number (SSN) at wala pang $63,398 ang kinita mo noong 2023.
o
Magke-claim ng Credit sa Buwis sa Kinita ng California (California Earned Income Tax Credit, CalEITC) gamit ang iyong Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN) kung isa kang immigrant na walang SSN at wala pang $30,000 ang kinita mo noong 2023.
Ang Maibabalik sa Iyo
Kung magkakwalipika ka, puwede kang makakuha ng WFC na hanggang $250 gamit ang direct deposit o papel na tseke. Ang iyong WFC ay karagdagan sa makukuha mo sa EITC at CalEITC ng pederal.