Edukasyon sa Pagbibigay Kaalaman tungkol sa Diabetes
Ang Diabetes Empower Education Program (DEEP) ay isang libreng anim na linggong pag-aaral o workshop para tulungan ang mga nakakatanda na may diabetes para magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol sa diabetes, maalagaan ang kanilang mga sarili at mapanatili ang kanilang malusog at aktibong pamumuhay.
Ang workshop na ito ay inaalok ng aming kasosyo sa komunidad, Onlok, at nagkikita minsan sa isang linggo sa loob ng dalawang oras. Ang pag-aaral or workshop ay hinahandog ng isang tagapag-turo ng kalusugan at binuo ng Midwest Latino Health Research Training and Policy Center sa Unibersidad ng Illinois sa Chicago.
Sino ang karapat-dapat
Ang sinumang may sapat ng gulang at mayroong diabetes o pre-diabetic. Ang mga tagapag-alaga, pamilya at mga kaibigan na nagmamalasakit sa isang mas matanda na may diabetes ay karapat-dapat din.
Tingnan ang iskedyul at magparehistro
- Magparehistro para sa DEEP, sa pamamagitan ng pagtawag (415) 550-2201 o mag-email mjimenez@onlok.org.
- Dagdagan ang kaalaman tungkol sa DEEP ng OnLok webpage.