Credit sa Mga Nagtatrabahong Pamilya (Working Families Credit, WFC) Proseso ng Aplikasyon sa WFC
Paano Mag-apply Bago Lumipas ang Abril 15, 2024
1. I-claim ang Mga Tax Credit sa Kinita (Earned Income Tax Credit, EITC)
I-claim ang Tax Credit sa Kinita (Earned Income Tax Credit, EITC) ng pederal kung mayroon kang Social Security number (SSN) at wala pang $63,398 ang kinita mo noong 2023.
o
I-claim ang Tax Credit sa Kinita sa California (California Earned Income Tax Credit, CalEITC) gamit ang iyong Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN) kung isa kang imigrante na walang SSN at wala pang $30,000 ang kinita mo noong 2023.
Kung hindi mo ike-claim ang EITC ng pederal sa iyong mga buwis para sa 2023 : Kakailanganin mong magsumite ng binagong Form 1040-X sa IRS.
2. Kumuha ng aplikasyon sa WFC
- Sumagot at magsumite ng online na aplikasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa aming portal para sa buwis: English | Español | 中文
- O mag-download at mag-print ng aplikasyon: English | Español | 中文
Makakakuha ka rin ng aplikasyon mula sa Turbo Tax at H&R Block kung nagfa-file ka para sa iyong sarili gamit ang kanilang mga programa.
3. Isumite ang aplikasyon sa isa sa tatlong paraan bago lumipas ang Abril 15, 2024
- Secure itong isumite online sa pamamagitan ng pagbisita sa aming portal para sa buwis: Bumalik sa ibang pagkakataon para sa availability ng portal.
- Ipadala ito sa SFHSA, WFC Program, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120.
- I-drop off ito sa SFHSA, 170 Otis Street.
Kailangan ng tulong sa pag-apply? Mag-email sa HSA sa wfc@sfgov.org o tumawag sa (415) 557-6284 (araw-araw tinitingnan ang voicemail).